Of Archers, Maroons and excellence

Last week, four of my batchmates from Batch Tuna Pie finally graduated with a degree of Master of Technology Management. That, two years since we started with the University of the Philippines Diliman’s Technology Management Center’s said program.

Oscar, Niño, Marianne and Tax: Humayo't itanghal, giting at tapang. Mabuhay ang pag-asa ng bayan. Photo credit: Oscar Salvanera

Below is the speech (I highlighted some text for emphasis) delivered by Niño, this graduating batch’s Most Outstanding Graduate student and this year’s Top Scorer for the program’s Comprehensive Exam.

I am so proud of this guy, accomplishing all of these while working full time AND studying with a full load. I can’t imagine the sacrifices he made and all the hard work that he put in. Good job Niño! Ang husay! :)

***

Christopher Niño N. Santos
UP Diliman – Technology Management Center
Recognition Ceremonies, 17 April 2011
Copyright 2011

Sa ating Executive Director Prof. Edision Cruz, sa ating speaker Mr. Nilo Poso, mga professors at staff, mga kamag-aral, mga kaibigan at bisita… magandang umaga!

Dalawang taon na pala simula nung una kong marinig na may kurso pala na Technology Management sa UP Diliman. Parang kalian lang ay asar na asar ako sa mga pangyayari dahil iniurong ko ang application ko sa isang sikat na business school sa bansa dahil sa mga di inaasahang pangyayari. Nakabayad na ako nun ng ilang libo na reservation fee, pero kailangan ko panindigan ang desisyon ko. Sa inis ay naghanap ako ng ibang mapapasukan na business school. Sa aking paghahanap ay niligaw ako ni Google sa website ng UP TMC, and the rest is history!

Noong una ay hindi naging madali para sa akin na makibagay sa aking bagong mundong ginagalawan. Kahit na ilang taon na rin akong nagtratrabaho sa ‘real world’, ang konsepto ko pa rin ng eskwelahan ay isang ‘sheltered environment’ na parang isang sanctuario mula sa tunay na mundo. Iba pala sa UP. Mas tunay pa sa tunay ang mundo na gagalawan mo! Oo, na-‘culture shock’ ako. Enrollment pa lang ay naging malinaw na sa akin ang pagkakaiba. Hanggang ngayon, damang dama ko pa rin ang pagkakaiba sa mga tao, kultura, at kapaligiran kumpara sa aking pinagmulan na pamantasan. Magkaiba man, tingin ko ay wala namang nakalalamang sa dalawa. Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko sa kabila pero pakiramdam ko ay mapalad ako na naranasan ko pareho. Hindi lahat ay nabibigyan ng ganoong pribelehiyo.

Dalawang taon… ngayon ay palapit na kami sa aming pagtatapos. Naranasan na namin lahat ng klaseng propesor, mula sa pinaka mahinahon hanggang sa pinaka nakaka-sindak! Ngayon ay ginagawaran kami ng parangal dahil sa produkto ng aming paghihirap. Ang sarap ng pakiramdam! Hindi biro na mag-aral sa gabi at mag-trabaho sa araw, lalo na kapag naka full load ka palagi. Hindi madali lalo na nung nag-aaral kami para sa comprehensive exam kasabay ng pagsulat sa aming TM299 paper na hindi man pormal na matatawag na thesis ay pinagbuhusan pa rin namin ng dugo at pawis. Hindi ko masabing nakabubuti sa katawan ang aming ginawa. Sabi ko nga dati, medyo may pagka-suicidal yata kami. Pero eto na, malapit na magbunga ang lahat ng hirap. Buhay na buhay pa naman kami!

Sa puntong ito, masasabi ko na mahal ko na ang UP. Pero nakakalungkot dahil hindi ko pa rin ito kayang mahalin tulad ng pagmamahal ko sa aking pinagmulang pamantasan. Di ko pa rin kabisado ang UP Naming Mahal, pero ngayon ay medyo kaya ko na sya kantahin basta may kodigo! Kulay green pa rin nga talaga ako, nagkaroon lang ng accents na maroon. Sabi nga sa kanta, Luntian at Pula! Akalain mo nga naman, tumugma!

Sa UP TMC ay marami kaming natutunan bukod sa Techology Management. Sa akin ay natutunan ko na mas mahalin pa ang Pilipinas. Natutunan ko na hindi pala sapat na gumawa ng magaling, kailangan din ay may naitutulong sa bayan ang ginawa mo. Sa TMC rin ako natuto magmahal. Oo, at nandito sya ngayon. Cheesy pakinggan, pero totoo!

May habambuhay na mga pabaon ang pamantasang ito at ang TMC sa amin na dala dala namin hanggang sa hukay. Sa aking mga kapwa magtatapos, huwag natin palampasin ang mga pagkakataon na masuklian ang lahat ng naibigay sa atin ng UP-TMC. Kaya natin maglingkod sa Bayan sa ating sariling mga pamamaraan. Oo, marami sa atin ang mag-aabroad dahil sa pangangailangan. Pero sana ay wag natin kalimutan ang ating pinanggalingan. Ituloy natin ang pagbibigay parangal sa ating bansa saan man tayo mapunta. At kung aalis man tayo, sana ay bumalik tayo dito para makinabang naman ang Pilipinas sa ating mga nakamit. Ang iba kasi, bumabalik nalang para mamayapa. Huwag sana nating gawing pre-departure area lamang ang ating bansa.

Bilang pagtatapos, gusto ko kunin ang pagkakataong ito para pasalamatan lahat ng naging bahagi ng aming buhay sa TMC. Salamat sa lahat ng aming magagaling na propesor na hindi pinagdamot ang kanilang kaalaman, hamambuhay naming dala ang naibahagi ninyong karunungan. Isang malaking karangalan na naging mga guro namin kayo. Salamat din sa lahat ng staff ng TMC na sumuporta sa amin, pati kay manang na binibilhan namin ng pagkain sa tuwing kami ay inaabot ng gutom. Salamat sa aming mga kapwa mag-aaral na naging mga tunay na kaibigan at nagbahagi rin ng kaalaman mula sa kani-kanilang industriya. Salamat sa aming mga mahal sa buhay, pamilya at kaibigan na umunawa sa sitwasyon at buong puso na nagsakripisyo din para sa aming tagumpay. Muli, maraming salamat sa inyong lahat. Sa inyo rin ang aming tagumpay. Salamat at magandang umaga!

***

Once again, congratulations Niño, Tax, Oscar and Marianne! You inspire me. I hope I can wear that Sablay again some time soon. Let’s go Batch Tuna Pie!

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 347 other followers

%d bloggers like this: